Thursday, September 26, 2024

Tawid-dagat


Nais kong ibahagi ang kwentong tawid-dagat ang pagitan ng dalawang taong nagiibigan

Mula Mindoro patungong Cavite yan ang lawak na aming ginagalawan

Halinat tunghayan ang pagiibigan ng dalawang sumubok na magmahal kahit distansya ang kalaban


Pagkagising sa umaga mensahe mo agad ang nais kong mabasa

Pangalan mo ang nahahagip ng aking mga mata

At litrato mo ang aking nakikita.

Good morning mahal yan ang katagang tila ba may kiti kiti sa aking katawan na parang akoy kinikiliti


Hay kay sarap sa tenga na marinig ang ganitong mga kataga 

Lalo na kung mula sa lalaking patay na patay saking ganda  

Ang sarap kayang ipagsigawan sa mundo kung gaano ko kamahal ang taong to

Kilala sa tawag na Jhaz,  yan ang ngalan ng mahal ko


Ikaw ang icing sa ibabaw ng cupcake ko 

At mr. Right ng buhay ko

Sayo ko lang naranasan ang pagiging isang prinsesa

Hindi lang dahil sa akoy iyong sinasamba

Kundi dahil sa araw-araw na akoy iyong pinipili sinta

No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...