Ang malikhaing pagsulat ay isang uri ng pagsulat na naglalayong ipahayag ang damdamin, imahinasyon, at karanasan ng isang manunulat sa masining at orihinal na paraan. Nangangahulugan lamang ito na ito ay makulay at malikhain na nagdudulot para sa sinumang makababasa nito na maakit at basahin ang isang sulatin. Sa ganitong uri ng sulatin, higit na mahalaga ang paggamit ng wika, mga tayutay, at malalim na simbolismo upang makabuo o makalikha ng isang akdang aantig sa damdamin ng sinumang makakabasa. Mula sa aking natutunan patungkol sa malikhaing pagsulat na kung saan ang paggamit ng 3 paraan ng pagbuo ng Imahen, paggamit ng Tayutay, at pagbuo ng mga Akademikong Sulatin ay nagiging susi upang maging masining at malikhain ang anumang sulatin. Sa pamamagitan ng pagbuo ng Imahen binibigyan ko ng pagkakataon ang aking mga mambabasa na makita, maramdaman, at maranasan ang mga ideyang nais kong ipahayg sa aking sulatin sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan dito. Gayundin, magagawa kong mas buhay ang mga konsepto at ideya na nais kong kanilang malaman at maipaunawa sa kanila. Sa mga akademikong sulatin, itinuturing itong seryoso at pormal ngunit sa pamamagitan ng ilan sa mga tayutay na salita magagawakong mas mapanlikha at masining ang paraan ng aking pagpapaliwanag. At kung ang usapin naman ay ang kasanayan sa pagbuo ng mga Akademikong Sulatin, sa kabila ng pagiging pormal ng mga ito maaari pa rin itong gawing masining sa pamamagitan ng masusing pagpili ng mga salita at istilo wika. Ang tamang balanse sa pagitan ng malikhaing wika at lohikal na pag-aayos ng mga ideya ay nakakatulong upang maging mas makabuluhan at makahulugan ang isang sulatin. Sa tulong nito, mas napapahusay ko ang aking pagsulat gayundin ang pagbibigay ng mas malalim pang mga kahulugan sa bawat mga konsepto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg
Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...

-
Mapagpalayang Araw! Ako si Geizel Yamson Frane, isang mag-aaral sa Unibersidad ng Mindoro-Main Campus at kasalukuyang nasa ikatlong taon...
-
Pamagat: “Dahil Kay Ma’am: Isang Pagpupugay sa mga Guro” I. Panimula Ang video na “Dahil Kay Ma’am” ay isang makabagbag-damdaming kwento...
-
Ang kuwentong "Saranggola," ay nagpapakita ng paghubog ng isang ama sa kanyang anak sa pamamagitan ng disiplina at praktika...
No comments:
Post a Comment