Sunday, October 6, 2024

Sa Lilim ng Bagyong Mapaglaro


 Sa pag-ulan ng malakas, pasok ay nakansela

Ngiti sa mga labi, pahinga'y sumagana

Araw ng bagyo, sa bahay ay saya

Libreng oras, kapiling ang pamilya


Ngunit sa malalayo, tubig ay rumaragasa

Mga kabahayanan, natangay na ng baha

Habang ako’y ligtas, may nawalan ng sigla

Bagyo’y tumama, sa kanila’y lumbay ang dala


Sa radyo't telebisyon, nakita ang hasik na dala

Mga bahay ay nalubog, tiraha'y nawala

Mga gamit ay nawasak, sa pagdating ng sakuna

Mga pamilyang nawalan, paano magsisimula?


Dapat bang magdiwang sa tuwang pansamantala?

Kung ang iba’y nagluluksa, sa unos ng dusa

Sa likod ng saya, may tanong sa isipan na

Paano kaya kung sa amin ang bagyo’y tumama?

No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...