Tuesday, October 1, 2024

Katutubong Mangyan


 


Sa probinsya ng Mindoro, sila ay nanahan

Sa kabundukan, sila'y tahimik na naninirahan

Kanilang pamumuhay, sagisag ng katatagan 

Sa pag-aalaga sa kalikasan, tunay na 'di matatawaran


Mangyan, mga tagapag-ingat ng yaman 

Sa inyong pananatili, kabundukan ay patuloy na nasisilayan

Sa probinsya ng Mindoro, inyong alay ay 'di malilimutan

Sa bawat hibla ng inyong kultura, liwanag ng kinabukasan


Kanilang sining at kultura, walang kapantay na yaman

Sa likha ng kamay kaakibat ang kwento ng kanilang  kasaysayan

Sa mga binhi ng karanasan, maaaninag ang hirapna kanilang pinagdadaanan

Ngunit patuloy na lumalaban para sa isang magandang kinabukasan


Pagpupugay sa mga kapatid nating mangyan

Ang inyong kontribusyon sa kalikasan at bayan

Ay tunay na maituturing na isang kadakilaan

Mabuhay ang mga Mindoreño, mabuhay mga kapatid naming mangyan


No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...