Thursday, October 3, 2024

Sino ako?


 Ako'y isang dalaga, hindi kilala ng iba

Pagkatao ko'y isisiwalat, sa pamamagitan ng isang tula

Sa mga lihim ng gabi, ako'y tahimik na tala

Sa mga tanyag na bituin, aking pangarap ay dala-dala


Sa bayan ng Bansud, aking pinanggalingan

Nabuo ng mag-asawang puno ng pag-iibigan

Pinalaki ng tama, may respeto sa kapwa

Sa Diyos at bayan, sila'y mabuting halimbawa


Sa hirap ng buhay, ama nami'y napalayo

At nagtrabaho sa kabilang ibayo

Ang naging ilaw at lakas sa kaniyang nilandas

Kaming pamilyang tinuturing niyang kayamanang wagas


Dahil sa pangungulila, kami'y nagtungo sa kanya

Sa lugar kung saan siya, kami'y nagpasya

Doon na lamang manirahan ng buo ang pamilya

Sa bayan ng Naujan kami'y magkakasama


Pagsasaka ang ipinangtustos sa aming pag-aaral

Ng aming amang sobra naming mahal

Sa kanyang sipag at tyaga, kami lahat ay nasa paaralan

Nag-aaral para sa maganda naming kinabukasan


Ang halaga ng edukasyon, kayamanang tunay,

Sa paarala'y kami'y nag-aaral ng buong husay,

Sama-samang nagsusumikap, sa pangarap na buhay

Kasaganaha'y makamtan sa ami'y ibinigay 


At sa huli, ang babaeng isang anak ng magsasaka,

Magiging propesyonal, isang dalubhasa

Sa larangan ng pagtuturo, isa siyang pinagpala

Pagka't sa kabila ng hirap, pangaray ay dala







No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...