Thursday, October 24, 2024

Dyornal: CTE Team Building sa Barbers Resort



Oktubre 22, 2024  

Barbers Resort, Babangonan

         

             Noong Oktubre 22, 2024, ginanap ang aming CTE team building activity sa Barbers Resort sa Babangonan. Masaya ang buong araw na puno ng mga laro at tawanan kasama ang mga kaklase mula sa iba't ibang major.

                Sa unang bahagi, pagdating sa resort, agad kaming nag-attendance. Binigyan kami ng mga name tag at ticket para sa mga libreng palaro na maaaring salihan sa loob ng resort. Ito ang nagsilbing paunang bahagi ng aktibidad kung saan naramdaman ang galak ng bawat isa.

              Sa pangalawang bahagi, ang bawat major ay hinati sa apat na grupo, kung saan ang mga estudyante mula sa Filipino at Science majors ay pinagsama. Ang paghahating ito ay nagsilbing daan upang mas makilala ang bawat isa at makapagsaya sa iba't ibang aktibidad o palarong hinanda ng MES.

            Sa pangatlong bahagi, isinagawa ang iba't ibang team-building activities. Kabilang dito ang paghanap ng mga itlog, quiz bee, at ang pabilisan sa pagpuno ng bote ng tubig. Masaya at puno ng tawanan ang bawat laro habang ang bawat grupo ay nagtulungan upang makuha ang panalo. Ramdam ko ang saya at galak ng bawat isa maging ako na nakikita ang mga ngiti sa labi at hagikgik ng tawa. 

              At sa  pang- apat na bahagi, matapos ang mga laro, nagkaroon kami ng boodle fight para sa aming tanghalian. Isang espesyal na pagkakataon na magkasalo-salo sa isang masarap at simpleng kainan na nagpapalakas ng aming pagtutulungan at pakikiisa. Kahit sa simpleng panangha

No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...