I. PANITIKAN
A. Uri ng Panitikan: Pelikula
B. Pamagat: She’s Dating a Gangster
Ang pamagat na ito ay nagpapakita na ang isang babae ay nakipagligawan sa isang lalaking gangster at masasalamin dito kung paano magmahal at paano nabago ang buhay at paniniwala ng isang gangster dahil sa isang babae na kanyang pinakamamahal.
C. Mga Tauhan:
Kenji Delos Reyes/Kenneth (Daniel Padilla)- Siya ay isang gangster, gwapo, at sikat sa kanilang paaralan. Tinuturing din siyang "bad boy" at campus heartthrob sa Sputhwell High.
Athena Dizon/Kelay (Kathryn Bernardo)- Siya ay isang transferee student na nag-aaral sa Southwell High. At siya ang nakatatanggap ng lahat ng mensahe ni Kenji at dahil dun siya ay nahulog kay Kenji na isang gangster.
Athena Abigail Dizon (Sofia Andres)- Siya ang dating kasintahan ni Kenji.
Lucas (Kalil Ramos)- Malapit na kaibigan ni Athena (Kathryn Bernardo) at kalauna'y naging dahilan ng pagseselos ni Kenji. Gayundin siya ang nanligaw kay Athena(Sofia Andres).
Kenji Delos Reyes (Richard Gomez)- Siya ang kasalukuyang Kenji at ama ni Kenneth. Isa sa pasahero ng airplane crash.
Athena Dizon (Dawn Zulueta)- Siya ang kasalukuyang Athena Dizon at tita ni Kelay na malapit ng mamatay.
II. MGA REAKSYON
A. Sa mga Nagsiganap
1. Daniel Padilla- Napakahusay ng pagganap ni Daniel Padilla sa pelikulang ito. Hindi lamang isa ang kanyang ginampanan na karakter kundi dalawa. At bilang isang Kenji ay talagang naipakita niya ang isang pag-uugali ng gangster at kapag si Daniel Padilla na talaga ang gumanap sa mga ganitong uri ng pelikula ay talagang maraming kababaihan ang talaga namang kikiligin dahil sa taglay niyang karisma at kagwapuhan. At bilang Kenneth naman sa kasalukuyan ay ipinakita niya ng mahusay ang isang anak na naghahangad ng pagmamahal sa kanyang ama at kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang namayapang ina. Gayun din nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit ganun na lamang ang pagturing ng kanyang ma sa kanyang ina at nung nalaman niya ito saka niya narealize kung gaano kahirap ang sitwasyon ng kanyang ama noon.
2. Kathryn Bernardo- Isa sa pinakamagagaling na artista sa mundo ng showbiz na talagang hindi lamang ganda ang mayroon kundi napakagaling rin sa larangan ng pag-arte. Tunay ngang siya ang Box Office Queen dahil lahat ng kanyang nagiging pelikula ay talaga namang humahakot sa takilya. At sa kanyang ginampanan sa pelikulang ito bilang Athena na nagkagusto sa isang gangster ay isang kahusayan sa pag-arte dahil natural na natural ang bawat kilig, iyak at hirap na kanyang ipinapakita sa pelikula. Hindi pilit ang kanyang pag-arte at talaga namang lahat ay mapapaiyak pag siya ang umarte. Maging ako ay nadala rin sa emosyon sa bawat luha ni Kathryn sa bawat mga eksena. Wala akong ibang masabi kundi napakahusay at napakaepektibong artista niya.
3. Sofia Andres- Medyo nakulangan lang ako sa pag-arte ni Sofia Andres bilang dating kasintahan ni Kenji na si Athena ngunit masasabi kong mahusay din ang kanyang naging pagganap sa pelikula. Naawa ako sa kanya nung nasa ospital sya at naconfine dahil sa sakin niyang gastric cancer stage 3 at doon sinabi niya na wala siyang ibang gusto kundi maging masaya si kenji kahit na wala na siya.
4. Richard Gomez- Napakagaling din na aktor at mahusay sa pag-arte talagang sa bawat eksena ay nakikita kung anu dapat ang kailangang maipakita sa eksena at bilang tatay ang kanyang ginaganapan ay naipakita niya ang kinakailangang makita bilang ama sa pelikula at gayundin ay nakakilig din ang tambalan nila ni Dawn Zulueta na talaga namang lahat siguro ng fans nila ay sobra ang ligaya pag nakikita silang magkasama.
5. Dawn Zulueta- Magaling rin na artista at naipakita rin niya ang kailangang maipakita sa pelikula at masasabi kong mahuhusay silang lahat at kapag iyakan na talaga ang eksena ay madadala ka dahil talagang natural ang pagganap nilang lahat.
B. Istilo ng Manunulat sa Iskrip
Napakagaling ng manunulat ng iskrip ng pelikulang ito at talaga namang ang mga palitan ng linya ay tagos na tagos sa puso ng bawat manonood. Noong una’y hindi ko mawari kung bakit dalawa ang gampanin ng tauhan at bakit magkamukha at doon nga inilantad sa pelikula na iyon ay ang noon at ang kasalukuyang napakagaking ng istilo rito ng manunulat. Talagang mapapaisip ka at mahusay ang mga linyahan maging ang mga nais iparating sa mga manonood. Wala akong masabi kundi napakahusay sa likod ng matagumpay na pelikulang ito silang mga manunulat ay dapat na palakpakan. Natural ang mga batuhan ng linyahan at hindi masyadong nasosobrahan. Hindi nawawala sa kung ano ang dapat na kalabasan ng pelikula. Mahusay!
C. Istilo ng Pagdidirihe
Mahusay! Isa sa may napakalaking gampanin talaga ng isang pelikula ay ang mahusay na pagdidirihe at masasabi kong mahusay rin ang direktor ng pelikulang ito dahil hindi magiging magaling ang mga gumaganap at gumagawa ng iskrip kundi dahil dito. Maaaring maraming naalis o nabawas na mga eksena rito dahil sa kagustuhan ng direktor na mailabas at maipakita ung mga pinakamammahalagang pangyayyari at tatatak sa masa kaya mahusay parin. Masasabi ko ring mahusay ang pagkuha ng bawat eksena at mga kting ng mga artista na talaga namang nakakadala talaga. Maging ang mga dapat ipokus ay kuhang kuha nila maaayos lahat maging ang pagbibigay-diin sa mga emosyon ng mukha ng mga artista ay mahusay.
D. Mga Teoryang Pampanitikan
Romantesismo- Ang sentro ng pelikula ay pumapatungkol sa pag-iibigan na kung saan ay inilahad sa pelikula ang mgakomplikadong kinaharap ng mga pangunahing tauhan sa bubay pag-ibig at kung paanu ito nakaapekto sa kanila maging sa kanilang buhay.
Feminismo- ang karakter ni Athena Dizon (Kathryn Bernardo) ay maaaring tingnan mula sa perspektibong feminismo. Ang karakter ni Athena ay isang matapang na babae na nagpakita ng kalakasang loob sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap. Ipinakita sa pelikula ang katapangan niya sa pakikisalamuha niya sa isang grupo ng mga gangster at ang pagharap niya sa kanyang sakit.
Sosyolohikal- Ang kuwento ay may aspeto ng pagkakaiba-iba ng uri sa lipunan. Ang karakter ni Kenji delos Reyes (Daniel Padilla) ay isang miyembro ng isang gang, samantalang si Athena Dizon (Kathryn Bernardo) ay isang mag-aaral sa mataas na paaralan. Ipinapakita nito ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan at kung paano ito maaaring magdulot ng mga kumpetisyon at hidwaan.
Eksistensyalismo- Ang mga karakter, lalo na si Kenji at Athena (Kathryn Bernardo), ay naghahanap ng kontrol sa kanilang mga buhay. Sa kanilang mga pagkakaraniwan at komplikadong buhay, naghahanap sila ng paraan upang maipakita ang kanilang sariling pagkakakilanlan at makuha ang buhay na kanilang naisin.
III. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Ang pinakatumatak sa aking isipan mula sa napanood kong pelikula ay handang gawin ng isang taong nagmamahal ang lahat para sa kanyang minamahal at gayundin ang pag-ibig na nawaglit ay kailanma’y hindi mabubura sa puso’t isipan ng isang taong lubos na nagmamahal.
B. Bisa sa Damdamin
Napakahusay ng mga palitan ng mga salita ng bawat artista at talaga namang ang kanilang mga binibitiwang salita ay makabuluhan at nakakadala ng emosyon at damdamin na talaga namang madadala kahit sinuman kapag napanood ang pelikulang ito.
C. Bisa sa Kaasalan
Ang nais na ipahiwatig ng pelikulang ito sa akin ay pagkakaroon ng pag-asa at pagmamahal sa kabila ng mga pagsubok at kaganapan sa buhay. At ito ay nagpapahayag ng pag-asa at inspirasyon para sa mga manonood na makahanap ng tunay na kahulugan at kasiyahan sa kanilang mga buhay.
D. Bisa sa Lipunan
Nais na maipamulat ng pelikulang ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay aayon ang tadhana saiyo kaya nagkakaroon tayo ng mga pagsubok sa buhay upang atin itong harapin at lagpasan.
E. Bisang Pangmoral
Ang pelikula ay nagbibigay-halaga sa mga pang-moral na aspeto ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pag-aalaga sa isa't isa. Ito ay nagpapalaganap ng mensahe ukol sa kahalagahan ng pag-unawa, respeto, at pagmamahal.
No comments:
Post a Comment