Saturday, November 9, 2024

Pagsusuri sa Dagli

 



 DAGLI: 

SKYFAKES NI EROS ATALIA

              Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunch break. Niyaya siya ng mga ito na mananghalian. “Sunod na ako, tapusin ko lang itong pinipagawa ni Sir, kailangan daw ng 2 pm, e.”, wika niya. Naiwan siya sa opisina. Pinaspasan niya ang trabaho. Unti-unti nang umiinit. Hinubad niya ang blazer. Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag lunch break. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext siya ng kanyang mga kaopisina kung nasaan na siya. Nag-reply siya” D p tpos. Nxt time n Ing. Nwy, I’ll just eat my baon here.” Kinakailangang niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break.

            Sa pinapatrabaho ng kaniyang boss, baka ito nga ang kaniyang break. Mula sa kaniyang kinauupuan, kitang-kita niya ang nagdidilim na langit. Dinukot ang pitaka. Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muli tiningnan ang langit. “Wag kang uulan. Wag”.

            Kumakalam na ang kaniyang tiyan. Binuksan niya ang drawer. May isa pang pakete ng biskwit. Binuksan niya ito. Kumain. Tumungo sa water dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng tatlong basong malamig na tubig. Napadighay siya. Bumalik sa pwesto. Muling tumingin sa langit. Hindi niya tiyak kung makulimlim o maaraw.

        Napailing siya.” Makisama ka naman. Wag kang umulan. Wag.” Muling binilang ang barya sa pitaka.


Pagsusuri:

SIMBOLISMO: 

Ulan- Mga pagsubok o mga bagay na hindi inaasahan, tulad ng kalagayan ng pangunahing tauhan. 

Ang pitaka at barya- kalagayan  o estado ng  buhay na sa kabila ng kanyang trabaho at mga pangarap, ang kanyang yaman ay tila hindi sapat.

Ang larawan ng mga anak sa pitaka- sumisimbilo sa kanyang mga alalahanin at responsibilidad, at maaaring magsimbolo ng kanyang pangarap na magtagumpay para sa kanilang kapakanan.

ESTILO: Gumamit ang may-akda ng isang masining at diretso bikang paraan ng pagsasalaysay, kung saan ang pangunahing karakter ay abala sa kanyang trabaho at sa mga simpleng gawain na may kasamang mga maliliit na personal na pagninilay. Ginamit din ang wika na katulad ng karaniwang ginagamit sa isang modernong tagpuan na nagpapakita ng pagiging kontemporaryo at makakakonek sa mga mambabasa.

TAYUTAY:

Personipikasyon: “Makisama ka naman. Wag kang umulan. Wag.” Ang langit ay itinuturing na parang isang tao na maaaring makipag-ugnayan o makisama. Sa mga linyang ito, ipinapakita na tila may kontrol ang langit sa mga pangyayari, tulad ng pag-ulan, at may pakiramdam ng paghiling o panawagan mula sa tauhan na sana ay hindi umulan.

Onomatopeya: "Napadighay siya." Ang paggamit ng salitang "dighay" ay hindi lamang tumutukoy sa isang pisikal na aksyon kundi nagpapakita rin ng kaluwagan o saglit na pag-aalis ng tensyon mula sa loob ng katawan ng tauhan.

Ironiya: “Muli tiningnan ang langit. Hindi niya tiyak kung makulimlim o maaraw." Ang ironiyang ito ay nagpapakita ng kontradiksyon sa kalagayan ng tauhan at ng kalikasan. Bagamat umaasa ang tauhan na hindi uulan, hindi niya tiyak ang magiging kalagayan ng panahon kaya nagiging simbolo ito ng kawalan ng kontrol at hindi tiyak na maaring maganap.


TEORYANG PAMPANITIKAN:

Teoryang Realismo: Ang kwento ay nagpapakita ng mga karaniwang karanasan at sentimiyento ng isang tao sa opisina, ang kanyang pangarap na mapromote, at ang mga simpleng gawain tulad ng pagkain at pagtingin sa kalangitan. Ang pagsasalarawan ng karaniwang buhay ng isang tao sa pang-araw-araw ay nagsisilibing larawan ng realidad.

Teoryang Sikolohikal - Maaaring tingnan ang akda mula sa isang sikolohikal na perspektibo dahil ipinapakita nito ang emosyonal na kalagayan ng pangunahing karakter sa pamamagitan ng kanyang mga panloob na monologo at mga diyalogo sa sarili. Ang mga pagninilay na ito ay nagpapakita ng pagkabalisa, pag-asa, at ang pangangailangan na makalabas mula sa kasalukuyang kalagayan.


Sanggunian: https://www.entrepreneur.com/leadership/3-reasons-why-you-are-failing-at-problem-solving/228096

No comments:

Post a Comment

Pagsusuri: Ang Saranggola ni Efren Abueg

Buod ng Kwento Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan ng kanyang ama sa paggawa ng is...