Abstrak:
Ang bawat bayan ay may natatanging kapistahan na hindi lang isang tradisyonal na selebrasyon, kundi isang makulay na pagsasadula ng kanilang malalim na kasaysayan, pananampalataya, at pamumuhay. Sa bawat kapistahan na ipinagdiriwang, mababanaag ang ugat ng mga sinaunang kaugalian, relihiyon, at kwento ng lugar, na nagbibigay-buhay at kahulugan sa pagkakakilanlan ng komunidad. Layunin ng papel na ito na malaman at suriin ang kasaysayan at pinagmulan ng mga kapistahan sa bayan ng Unang Distrito ng Oriental Mindoro at matukoy ang mahalagang ambag ng gagawing brochure, “KaPistaYan: Mga Pista ng Bayan” sa Unang Distrito ng Oriental Mindoro bilang awtput ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro mamamayan sa bawat bayan at sa mga hinaharap na mananaliksik. Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ang historikal na kwalitatibong uri ng pananaliksik bilang disenyo ng pag-aaral. Ang mga impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng pakikipanayam o Focus Group Discussion (FGD). Kasama rito ang walang balangkas na uri ng panayam sapagkat higit na impormal ang uri na ito ng interbyu at karaniwang marami itong follow-up na mga katanungan.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, lumitaw na ang pinagmulan ng kasaysayan ng pagdiriwang ng pista sa bawat bayan ay batay sa paniniwala, pangkat etniko, patron at pang-araw-araw na gawain. Ang papel ay may malaking kahalagahan pagdating sa usaping kultural dahil ipinapakita nito kung paano naging bahagi ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga bayan ang mga pista. Gayundin, may malaking kahalagahan ito sa usaping pangedukasyon sapagkat maaaring magamit ang mga ito bilang kagamitang pampagtuturo sa Filipino partikular na sa mga lokal na panitikan na naglalaman ng mga kasaysayan at pinagmulan.
Susing Salita: Kasaysayan, Pagdiriwang, Bayan, Pista
Paglalahad ng Suliranin:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang makulay na makasaysayang pinagmulan ng pagdiriwang ng pista at ang paniniwala ng mga mamamayan kung paano ito nakatutulong sa karanasan bilang pagpapalalim ng kahalagahan sa pagdiriwang ng pista sa kanilang bayan.
Ang pananaliksik na ito ay tinitiyak na ang mga katanungan ay naglalayong tugunan ng mga kasagutan ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano-ano ang makasaysayang pinagmulan ng pagdiriwang ng pista sa bawat Bayan ng Unang Distrito ng Oriental Mindoro?
a. Puerto Galera (Pista ng Kaaldawan-Iraya)
b. San Teodoro (Pista ng Niyog)
c. Baco (Pista ng Saging)
d. Calapan (Pista ng Kalap)
e. Naujan (Pista ng DaBaLisTiHit)
f. Victoria (Pista ng Kapakyanan)
g. Socorro (Pista ng Pakapya-Agtike)
h. Pola (Pista ng Sab-Uyan)
2. Paano ipinagdiriwang ang pista sa bawat bayan?
3. Paano nakatutulong ang mga paniniwala at karanasan ng mga Mindoreño sa pagpapanatili at pagpapayaman ng lokal na tradisyon?
4. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ano ang mahalagang ambag ng brochure “KaPistaYan: Mga Pista ng Bayan” sa Unang Distrito ng Oriental Mindoro bilang awtput?
No comments:
Post a Comment